Fandoms
- EXO (Band) (1)
Recent works
-
Tags
Summary
2021
Hindi makahinga si Minseok.
Init na init na siya sa suot niyang long-sleeves na polo na nakatupi ng ¾. Ang init pa sa sasakyan niya kasi bad timing na nasira ang aircon tapos tirik na tirik ang araw sa labas. Sino ba kasing nagplano na alas tres ng hapon simulan ang event?
Bakit nga ba siya nandito ulit? Kung hindi naman siya binantaan ni Baekhyun na isusumbong sa barkada ay paniguradong nakahiga pa siya ngayon sa kama habang nanonood ng Netflix. Malapit na niya matapos ang bagong season ng My Hero Acadamia kaso heto siya at malapit na ma-dehydrate sa init dahil wala siyang choice.
Matagal na rin siyang hindi nakakapunta sa alma mater niya. Siguro ang huli ay noong kumuha sila ng yearbook nila Baekhyun at Junmyeon. Pakiramdam niya kasi wala naman siyang dapat nang balikan sa lugar na ito.
Pupunta daw si Jongdae.
Ayaw man aminin sa sarili pero yan talaga ang dahilan kung bakit siya a-attend ng alumni homecoming na ito.